ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Wednesday night biritan with Radha, Bituin at Frenchie Dy sa 'Tonight with Arnold Clavio'



Mapapanganga kayo sa galing at talento sa pagkanta ng mga bigating diva na bisita natin ngayong Miyerkules sa Tonight with Arnold Clavio! Humanda na sa matinding biritan kasama sina Radha, Bituin Escalante at Frenchie Dy.

Ang tatlong singer na ito na tunay na magkakaibigan ay magkasundong-magkasundo rin pagdating sa musika! Ang tawag nga raw sa kanila'y 'bakulaw' dahil sa grabe nilang galing tuwing kumakanta sa entablado.

Naging hit noong dekada nobenta at paborito pa rin hanggang ngayon ang kantang pinasikat ni Bituin, ang “Kung Ako Na Lang Sana”. Game kaya niyang pauunlakan si igan Arnold Clavio ng sample ng hit song niyang ito? Abangan! Una namang nakilala si Radha bilang miyembro ng international pop group na Kulay. Alam nyo bang magpinsan pala itong sina Radha at Bituin? Musical power runs in the blood ika nga! Samantala si Frenchie na sumikat nang manalo sa isang singing contest, tinuturing na joker o kengkoy sa grupo.

Kilalanin sila nang husto at lalong mapabilib sa galing nilang bumirit! At maki-sing along sa mga kantang nagpapaalala sa kanila ng kanilang kabataan, buhay pamilya at pagsisimula sa singing career.

Masusubok din ang pagkakaibigan nina Radha, Bituin at Frenchie sa game na "Sino?" Sino sa divas na ito ang pinakagalante, pinakakuripot, pinakamababaw ang luha at pinaka-charming sa boys? Abangan din ang challenge sa kanila na kumanta ala Celine Dion, Whitney Houston at Adele!

Kantahan at kwentuhan ang hindi n'yo dapat palampasin ngayong Miyerkules sa TWAC!

I-follow ang twac sa twitter: @twacofficial at gamitin ang hashtag na #DivasOnTWAC. At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio