Team Arellano, bibisita sa 'TWAC!'

TEAM ARELLANO: COUPLE GOALS!
For the first time sa Tonight with Arnold Clavio, makaka-kwentuhan ni Igan ang pang-"couple goals" at social media darlings na sina Drew Arellano at Iya Villania!
Sasabak ang Team A sa tatak-TWAC gimik na Insta-Truth kung saan makikita ang pagiging kalog at wacky nila bilang mga magulang sa dalawang cute na cute nilang baby boys na sina Primo at Leon.
At sa segment na Sino?, mabubuking naman kung sino sa mag-asawa ang mas sweet, seloso, pasensyoso at kung anu-ano pa.
Masusubok din ang pagiging travel at showbiz authority ng mag-asawa sa isang mini-Quiz Bee!
Syempre, hindi rin palalagpasin ni Igan ang pagkakataong isabak sina Iya at Drew sa Couple's Quiz. Magtugma kaya ang kanilang mga sagot? Abangan!
Kilala ang couple na makulit at masayahin pero pagdating sa My Pledge of Love, magiging seryoso muna sila. Panoorin ang nakakakilig na mensahe nila sa isa't isa.
Kilig-kulitan na naman ang inyong matutunghayan sa TWAC ngayong Miyerkules, 10:15 ng gabi!
Para makasali sa kwentuhan online, i-follow ang aming social media accounts at gamitin ang #TeamAOnTWAC