ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sanya Lopez at Bianca Umali, game na game na nakipagkulitan sa challenges ni Igan sa TWAC!


RED HOT CHRISTMAS WITH SANYA LOPEZ AND BIANCA UMALI!
December 4, 2019

Mag-iinit ang pagpasok ng malamig na Disyembre ngayong Wednesday sa TWAC! Dahil dalawang hot celebrities ang sasalang sa interview at pa-games ni Igan.

 

Magsasama sa unang pagkakataon ang dalawa sa pinakasikat, pinaka-sexy at iniidolong stars sa bansa – Sanya Lopez at Bianca Umali!
 
Pasabog ang pagiging 2020 cover girl ni Sanya, at hindi naman pahuhuli si Bianca sa kanyang sexy pictures na trending sa social media.

Pero sa TWAC, hindi sa pa-seksihan kundi sa pagiging competitive  sa games ang masusunok kina Sanya at Bianca!

Sa Shake Your Hips, sino kaya ang mas maraming bolang mailalaglag mula sa box na nakatali sa kanilang balakang? At sa kwelang Christmas tree decoration, sino naman ang mas maraming mailalagay na ornaments habang nakasuot ng mittens ang kamay?

Ilang fans din nina Sanya at Bianca ang sasali sa kasiyahan para maglaro ng kwelang challenges. Panoorin, nang malaman kung kaninong team ang mananalo!

Samantala, sa Payong Kaibigan segment naman, magbibigay ng advice ang dalawang aktres sa mga taong may problema ngayong magpapasko.

Ibabahagi rin ng Kapuso idols kung ano ang gusto nilang matanggap na Christmas gift.

Tumutok sa TWAC ngayong Wednesday, 7:15pm sa GMA News TV, at paiinitin nina Sanya at Bianca ang inyong gabi!