ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Ethel Booba, Atty. Oliver Lozano and A Suicidal Man"


Episode on January 28, 2011 Friday after Saksi! MGA HAMON NG BUHAY PhotobucketPhotobucketPhotobucket Hindi biro ang pinuhunan ni Ethel Booba para lang maabot ang kasikatan sa showbiz. Naging laman siya ng telebisyon, pelikula at naging reyna ng comedy bars dahil sa galing niya sa pagpapatawa. Pero kinalaunan, humina ang palakpakan, kumonti ang tawanan at unti-unting nawala ang kinang ng kaniyang bituin. Ano nga ba ang dahilan sa pagkawala niya sa limelight---ang mga kontrobersiya na diumano’y kanyang kinasangkutan, o sadyang nanlamig na lang ang kanyang mga tagahanga? Ikukuwento ni Ethel and kanyang pag-angat, pagbagsak at patuloy na pagharap sa hamon ng showbiz. Ethel has gone through a lot of challenges before achieving showbiz fame. Some say she is a fighter and can survive almost anything. And then showbiz stardom came where Ethel once became a staple in television, movies and comedy bars. But somewhere along the hills of fame, something went wrong. Controversies came one after the other that perhaps caused her star to fall. Is it fate? Or was it an error on her part? Get to know the rise, fall and rebirth of Ethel Booba. AMANG NANGUNGULILA PhotobucketPhotobucketPhotobucket Isang bangungot ang tila gumimbal sa popular na Marcos lawyer na si Atty. Oliver Lozano nang malamang wala na ang pinakamamahal niyang anak na si Emerson. Pero ang mas masakit, namatay ang anak sa isang malagim na krimen na hanggang ngayon ay wala pa ring linaw. Ano na ang naghihintay para sa isang amang ‘di lang nangungulila kung hindi naghahanap din ng hustisya? Marcos loyalist and lawyer Atty. Lozano earned the reputation of being feisty in the courts. But the public saw him broke down in tears as he found his son’s body mercilessly murdered. Get to know Lozano as a father…who mourns, whose half of his heart died with the gruesome death of his son. SA AKING MGA KAMAY PhotobucketPhotobucketPhotobucket Di lang isa, o dalawa kung hindi mahigit sa sampung beses nang tinangka ni Rommel Delos Santos ng Real, Quezon na wakasan ang sarili niyang buhay. Problema raw sa pamilya at sa pag-ibig ang itinuturo niyang dahilan. Sapat na nga ba ang mga dahilang ito para ilagay sa kanyang mga kamay ang pagkitil sa kanyang buhay? Tunghayan ang pakikipaglaban ni Rommel sa sitwasyon na kanyang kinalalagyan ngayon at alamin kung paano siya matutulungan. Rommel delos Santos of Real, Quezon has attempted to end his life ten times! How did he survive all these deadly attempts? Why does he want to die? Does he really want to die? For the first time in his life, Rommel is meeting with a psychiatrist and learns about his compulsive behavior. Learn from Rommel’s story in Tunay na Buhay.