ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Kontrabida Then, Pastor Now and A Popular 80s Boldstar!"


Episode on March 18, 2011 Friday after Saksi! "DATING KONTRABIDA PASTOR NA NGAYON" Magaling na character actor, nakaaaliw na komedyante at kinaiinisang kontrabida sa mga pelikula. Kilala rin siya sa industriya dahil sa kanyang kakaibang dedikasyon sa trabaho. Pero sa paglipas ng panahon at sa pananamlay ng pelikulang Pilipino, sabay rin ang pananamlay ng kanyang career. Ngayon, ang dating kontrabida isa ng pastor. Alamin ang buong kuwento ng kanyang pakikipaglaban sa buhay sa pagbisita ni Rhea Santos sa kanyang bahay sa Antipolo. "SIKAT NA BOLDSTAR NOONG 80s" Dekada otsenta nang mamayagpag ang mga bold movies at isa siya sa mga pangalang kinilala at halos sambahin ng mga kalalakihan dahil sa kanyang morena beauty. Nagsimula siya bilang sexy model hanggang mapanalunan niya ang titulong Bb. Pilipinas-Universe. Napadpad siya sa industriya ng pelikula at gumawa ng maraming bold movies na ang ilan magpahanggang sa ngayon ay sentro pa rin ng mga kontrobersiya. Kumustahin natin at silipin ang tunay na buhay niya sa Byernes ng gabi.