ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Black Superman' at ang babaeng may bukol sa mukha


1) ‘BLACK SUPERMAN’ BILLY RAY BATES “Black Superman’ iyan na ang tumatak sa Amerikanong basketbolista si Billy Ray Bates mula nang una siyang tumuntong sa Pilipinas noong dekada otchenta para maglaro ng basketball. Dahil sa angking galing sa paglalaro at ‘di matatawarang karisma ay minahal siya ng mga Filipino nang maglaro siya sa Crispa Redmanizers at Ginebra San Miguel. At ngayon matapos ang ilang dekadang paninirahan sa Amerika at pakikipaglaban sa alcoholism, isang bagong Billy Ray Bates ang haharap sa mga Pinoy sa muli niyang pagbabalik sa bansa. Alamin ang naging makulay na buhay basketball ni ‘Black Superman’at ang kanyang muling pagbangon sa mga pagsubok sa buhay sa isang rare one-on-one interview ni Connie Sison ngayong gabi. He was dubbed ‘Black Superman’ when he first came here to the Philippines in the 80s to play basketball. Filipino basketball fans immediately fell in love with his amazing skills and charisma when he played for the Crispa Redmanizers and Ginebra San Miguel. After a decade of living in the states battling with alcoholism, Billy Ray Bates is back. Get to know life story in this rare one-on-one interview with Connie Sison. 2) BABAENG MAY BUKOL SA MUKHA Isang simpleng buhay-pamilya ang mayroon si Hilda Manuel-Manangguit ng Nueva Ecija. Ngunit walong taon ang nakalipas, may kakaibang sakit na dumapo kay Hilda. Tinubuan siya ng isang malaking bukol sa mukha na naging dahilan kung bakit siya iniwan ng kanyang asawa at naghanap ng ibang makakasama. Simula noon, kahit na tinatakpan na ng bukol ang kaliwang mukha ni Hilda ay nagpursigi pa rin siyang magtrabaho upang buhayin ang kaniyang apat na anak. Alamin natin ang buhay niya ngayong gabi sa ‘Tunay na Buhay.’ Hilda Manuel-Manangguit of Nueva Ecija had a simple family life then. After eight years, she was afflicted with a rare disease. A big lump grew and swelled on her face, her husband left her to be with someone else. From then on, as the lump grew even bigger on the left side of her face, she remained strong to support her four children. Find out her life story tonight on ‘Tunay na Buhay.’