ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Babaeng pinugutan ng kasintahan sa Tunay na Buhay


GF Pinugutan ng ulo ng BF?
 
Tatlong araw na raw hinanap ni Arnel Fernandez ang kanyang pamangkin na si Katrina Gantan, isang call center agent. Sa kasamaang palad, sa isang morgue sa Pampanga niya natagpuan ang kaawa-awang dalaga, wala nang buhay at pugot ang ulo. Ang itinuturong suspek ay ang kasintahan nitong si Adonis Reyes. Dahil nga ba sa pag-ibig kaya’t pinugutan diumano ng ulo ni Adonis ang kasintahang si Katrina? Alamin ang puno’t dulo ng karumal-dumal na krimeng ito sa ulat ni Rhea Santos.
 
For three days, Arnel Fernandez has been looking for his niece, Katrina Gantan, a call center agent. Unfortunately, he did find the young woman, lifeless and headless inside a morgue in Pampanga. Her boyfriend Adonis Reyes has been tagged as the main suspect. Did Adonis decapitate girlfriend Katrina all in the name of love? Find out everything about this gruesome crime in this report from Rhea Santos.
 
 Kayla De Jesus
 
Isa lamang sa isang milyong bata may sakit na Osteogenesis Imperfecta o Brittle Bone Disease at isa na rito ang labindalawang taong gulang na si Kayla De Jesus. Pitumpu’t dalawang sentimetro lamang ang kanyang laki dahilan para siya ay bansagang ”Batang Bote.” Gayunman ang kalagayan, pinatunayan niyang hindi sagabal ito para ipagmalaki ang kanyang angking talento at kakayahan. Sa pagmamahal at suporta ng kanyang ina at mga kamag-anak, lumakas ang kanyang loob. At sa pagkikita nila ng mga iniidolong sina Vic Sotto at Jessica Soho, patuloy ang positibong pananaw ni Kayla na walang imposible sa buhay.  
 
Only one in a million children has this rare disease called ‘Osteogenesis Imperfecta’ or Brittle Bone Disease and 12 year old Kayla de Jesus is one of them. She stands only 72 centimeters tall, earning her the moniker ‘batang bote’ because she’s practically as big as a softdrink’s bottle. Despite her condition, Kayla has proven her skills and talent. But because of her famly's support, Kayla is growing up to be as confident as any ordinary kid.  She is a big dreamer and some of them have started to come tru, such as meeting her idols-Vic Sotto and Jessica Soho.