ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tunay na Buhay - Justo Justo, sa mata ng mga kaibigan at mahal sa buhay 


JUSTO JUSTO Airing: May 25, 2012 after Saksi  

Masugid niyang ipinaglaban ang karapatan ng mga taong may AIDS kasama ang namayapang si Sarah Jane Salazar. Sumuporta rin siya at nagpatayo ng shelter foundation para sa matatandang bading na iniwan na ng kanilang mga mahal sa buhay. Pulitiko, kolumnista, movie writer, at tv host. Ilan lang ito sa mga naging bahagi ng makulay at kontrobersyal na buhay ni Justo Justo. Ilan taon ding nakipaglaban sa sakit sa spinal column si Justo Justo o “JJ” sa kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay. Samahan si Rhea Santos na balikan ang makulay na kuwento ng kanyang buhay ngayong gabi sa ‘Tunay Na Buhay.’  

Tags: plug