ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang Tunay na Buhay ni Amy Dulay


Sa isang kisapmata maaring mawala ang lahat, pera, bahay, trabaho, kayamanan pero papaano kung ang buhay ng iyong minamahal at mukha mong pinakaiingatan ang mawala? Ito ang nangyari kay Amy Dulay ng La Union, sa edad na dalawampu’t apat sinapit na niya ang isang malagim na aksidente na ikinamatay ng kanyang nobyo at kaibigan. Na-comatose siya ng mahigit sa isang buwan at pag gising niya ay nasira ang kalahati ng kanyang mukha, hindi na niya masara ang kanyang bibig at hindi na nakakakita ang kanyang  kanang mata. Hindi niya alam kung paano magsisimula dahil sa tinamong sugat di lamang sa kanyang mukha pati na din ng kanyang damdamin sa pagkawala ng mahal niya sa buhay. Saksihan kung papaano babangon at lalaban sa kanyang buhay si Amy ngayong Biyernes sa Tunay na Buhay.