ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang 'Tunay na Buhay' ni Rochelle Pangilinan, tampok ngayong Sabado
Nakilala natin siya bilang isa sa mga miyembro ng sexbomb, ang all-girl sing-and-dance group na naging bahagi ng noontime show na Eat Bulaga. Mula sa simpleng pagsasayaw at paggiling, pinasok rin niya ang mundo ng pag-arte sa ilang ‘di matatawarang pagganap sa panghapong drama, ang Daisy Siete. Mula noon hanggang ngayon, sadyang malayo na nga ang narating ni Rochelle Pangilinan. Hindi man daw siya nakatungtong ng kolehiyo at naging mahirap ang buhay nila noon sa Malabon kung saan asin ang kanilang naging panawid-gutom, ngayon ay nakapagpundar na siya at nabibigyan na niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Naging singer, rapper, bida at kontrabida sa ilang teleserye ng kapuso network. Ang mala rags-to-riches na kuwento ng buhay ni Rochelle Pangilinan, ngayong Sabado kasama si Rhea Santos. 
She became popular as one of the members of ‘Sexbomb’, an all-girl sing-and-dance group that became a part of the popular noontime show, ‘Eat Bulaga.’ From her simple dancing, Rochelle has also ventured into acting via the afternoon drama soap, Daisy Siete. From then on, Rochelle has come a long way. She may not have gone to college and may have humble beginnings in Malabon, but now she is able to provide a better life for her family. She is a singer, a rapper, and has played both leading and supporting roles in various shows of the Kapuso network. Find out more about the rags-to-riches story of Rochelle Pangilinan, on ‘Tunay na Buhay’ this Saturday with Rhea Santos.

Tags: plug
More Videos
Most Popular