ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang Tunay na Buhay ni Norman 'Boobay' Balbuena
TUNAY NA BUHAY NI NORMAN "BOOBAY" BALBUENA
Airing date: January 5, 2013

Walang mintis ang kaniyang pagpapatawa at pagpapasaya sa kanyang mga manonood, kaya sinong mag-aakalang punong-puno pala ng hirap at drama sa buhay itong si Boobay o Norman Balbuena? Lumaki sa Zambales at nakapagtapos ng kanyang pag-aaral sa kursong AB Communication Arts si Boobay sa St. Louis University Baguio City. Pagkatapos mag-aral, nakipagsapalaran sa Maynila at napansin dahil sa nakatutuwang panggagaya niya kay Ethel Booba na pinagkunan niya ng kaniyang screen name. Dahil sa pagsisikap, tiyaga at sa talento na rin, isa na siya sa nangungunang komedyante ng GMA at kasama siya sa pagbabalik ng reality show na Extra Challenge. Siya ang bread winner ng kanilang pamilya at sumasagot sa pagpapagamot ng kanyang may sakit na ina. Ngayong sabado, saksihan ang saya at lungkot ng tunay na buhay ni BOOBAY.
More Videos
Most Popular