ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang Tunay na Buhay ni Rocco Nacino


ANG TUNAY NA BUHAY NI ROCCO NACINO
Airing date: February 16, 2013
 
Siya ay isang Registed Nurse na sumikat nang manalo bilang Second Prince sa fifth season ng Starstruck. Ngayon ay isa sa mga premyadong leading man, dancer, at aktor ng GMA-7 si Enrico Raphael Quiogue Nacino, o mas kilala sa kanyang screen name na Rocco Nacino. Nagsimula sa mga pa-contest sa kanyang paaralaan, naging commercial model at doon na nagtuloy-tuloy ang pagpasok sa pag-aartista. Pagkatapos ng Starstruck, marami na siyang pinagbidahang mga teleserye tulad ng Gumapang ka sa Lusak, Koreana, Time of my Life, The Good Daugther at sa kasalukuyan, ang dramarama sa hapon na Yesterday's Bride. Pinasok din niya ang paggawa ng indie films gaya ng "Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa" kung saan siya nabigyan ng mga parangal sa pag-arte. Hindi rin matatawaran ang galing ng kanyang pagganap bilang si Dr. Jose Rizal sa dokumentaryong Pluma.

Ngayong Sabado, silipin natin ang mga pinagkakaabalahan ni Rocco at tuklasin ang kanyang hirap na pinagdaanan bago makamtan ang kasikatan. Manood ng Tunay na Buhay ngayong Sabado pagkatapos ng Watta Job sa GMA-7!



He is a Registered Nurse who rose to fame when he won Second Prince in the fifth season of Starstruck. Now, Enrico Raphael Quiogue Nacino, or more popularly known as ‘Rocco Nacino,' is one of the most sought after leading men, dancer, and actor at GMA 7. After Starstruck, he clinched leading roles in several teleseryes like Gumapang ka sa Lusak, Koreana, Time of my Life, The Good Daugther and at the moment, the dramarama afternoon soap, Yesterday's Bride. He did several indie films like, "Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa" where he won several acting awards. He also portrayed Dr. Jose Rizal in the documentary, "Pluma."

This Saturday, let’s take a peek at what keeps him busy nowadays and discover the many challenges that he had to face before reaching showbiz success. Watch Tunay na Buhay on Saturday after Watta Job!