ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang Tunay na Buhay nina 'Babaji' at 'Bale'
TUNAY NA BUHAY
Airing date: March 16, 2013
Ang Tunay na Buhay ni Alfredo "Babaji" Cornejo
Airing date: March 16, 2013
Ang Tunay na Buhay ni Alfredo "Babaji" Cornejo

Mangga, kasoy, at deadly weapon ang ilan lang sa pangungutya ng mga tao sa kanya. Sino nga bang mag-aakala na ito pa ang magiging bala niya sa pagpasok sa industriya na mataas ang pagpapahalaga sa kagandahan? Siya si Alfredo Cornejo o mas kilala bilang ‘"abaji" a longest-running gag show na “Bubble Gang.” Nagsimula bilang isang fan na pumupunta sa mga tapings at napansin dahil sa kaka-ibang laki ng kanyang baba kaya’t na-imbitahan siyang maging extra. Ngayong Sabado, sa Tunay na Buhay, alamin ang kaniyang mga saloobin tungkol sa mga pang-aasar ng mga tao sa kanya.
Ang Tunay na Buhay ni Jacque "Bale" Oda

Kung kulay ng balat ang pagbabasehan, tila mahirap siyang pumasa bilang artista. Pero, kabaligtaran ang nangyari dahil ang maitim niyang balat pa ang naging pasaporte niya sa showbiz. Siya si Jacque Oda na naging household name sa telefantasya na "Okay Ka Fairy Ko" bilang si Bale, ang atribidang kapitbahay nina Vic Sotto at Alice Dixon. Hindi man kasingganda ng kanyang mga kasabayan, lumutang si Jinky dahil sa kanyang galing sa pagpapatawa. Bahagya siyang nawala sa showbiz at ginulat ang lahat nang magbalik na may maputing balat bilang endorser ng isang beauty clinic. Alamin ang kuwento ng buhay ni Jacque Oda ngayong Sabado sa Tunay Na Buhay.
More Videos
Most Popular