ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang Tunay na Buhay nina Kylie Padilla at Alden Richards


Tunay na Buhay ni Kylie Padilla


 
Isa siya sa mga Kapuso leading ladies na unti-unti nang gumagawa ng sarili niyang pangalan sa mundo ng telebisyon. Ilan sa mga programang pinagbidahan niya ang "Blusang Itim," "The Good Daughter," at ang hit na hit na dramaseryeng "Unforgettable." Siya si Kylie Padilla, isa sa mga anak ng tinaguriang "Bad Boy" ng pelikulang Pilipino na si Robin Padilla. Bagamat aminadong mahiyain noon, hindi ito naging hadlang para kay Kylie na ibahagi ang kanyang mga potensyal. Pinatunayan na bukod sa dala-dala niyang apelyido, mayroon siyang mga angking talentong maipakikita sa mga tao. Kilalanin pa natin ang kaniyang buhay-artista at kung paano niya patuloy na inaabot ang rurok ng tagumpay sa showbiz.
 
She is one of the most promising Kapuso stars who is slowly making a name for herself in television. Among her TV credits are "Blusang Itim," "The Good Daughter," and the hit dramarama "Unforgettable." She is Kylie Padilla, one of the daughters of the erstwhile "Bad Boy" of Philippine Movies, Robin Padilla. She is quite shy then but this didn’t stop Kylie from sharing her potential, proving that she may have the name, but she also has the talents to back it up.  Let’s get to know her life in front and behind the camera and how she is working to reach all her dreams in showbiz.

Tunay na Buhay ni Alden Richards


 
Higit sa maamong mukha, magandang pangangatawan, at nakakaakit na ngiti ni Alden Faulkerson Jr. o mas kilala natin bilang Alden Richards, ang masasabing pinakamalaking bentahe niya sa sa mundo ng showbiz ay ang talento niya sa pag-arte. Ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan, ang kanyang number 1 fan na unang naniwala sa potensyal niya na maging isang magaling na artista ay ang kanyang namayapang ina. Taong 2008 nang yumao ang kanyang ina sa sakit na pneumonia. Mula noon, ipinangako ni Alden sa sarili na tutuparin niya ang pangarap ng kanyang ina para sa kanya na maging isang artista. Ngayong Sabado, samahan si Rhea Santos sa pagbabalik-tanaw sa mahahalagang bahagi ng buhay ni Alden hanggang sa tuluyan niyang maisakatuparan ang pangako at pangarap ng yumao niyang ina, ditto lang sa "Tunay Na Buhay."
 
He may have the looks, the build, and the killer smile but Alden Faulkerson Jr., or more popularly known as Alden Richards, has another ace up his sleeve— he can act! Unknown to many, his number one fan who was the first to believe in his potential is his mom who passed away in 2008 due to pneumonia. From then on, Alden promised himself that he would fulfill his mom’s dream for him to make it in showiz. This Saturday, on "Tunay na Buhay," join Rhea Santos as she looks back at the many highlights in Alden’s life leading to the fulfillment of a promise and his mom’s cherished dream.