ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang Tunay na Buhay ng matatandang sangkot sa prostitusyon


TUNAY NA BUHAY
Airing date: April 27, 2013


Ang Tunay na Buhay ni LOLO ROBERT


 
May kasabihang kalabaw lang daw ang tumatanda at ganito mailalarawan ang nakilala ng "Tunay na Buhay" na si Lolo Robert, hindi niya tunay na pangalan, na patuloy pa ring kinakalakal ang sariling katawan para lamang kumita. Sa edad na sisenta’y singko (65), hindi pa rin nawawalan ng mga parokyano at masasabing in-demand pa rin ang kanyang serbisyo sa mga tagong motel at lumang sinehan sa Recto. Tubong Bicol, nakipagsapalaran sa Maynila at nauwi sa pagbebenta ng aliw dahil sa hirap ng buhay itong si Lolo Robert. Sa trabaho daw niyang ito, nahanap ang ganda ng kaniyang kapalaran nang makilala ang isang may-kayang customer na minahal at itinuring siyang di iba sa kanya. Ngunit sa kabila ng kaginhawaang dulot ng katipan, bakit tila hindi pa rin maiwasan ni Lolo Robert ang trabahong ito kahit matanda na siya? Kasama si Mariz Umali, sama-sama nating alamin kung paanong binago ng nakagisnang trabaho ang pananaw ni Lolo Robert bilang isang ama at lalaki dito lamang sa Tunay na Buhay!
 
When we met Lolo Robert (not his real name) and learned that he still prostitutes his body at age 65, we remember the old saying that "only carabaos grow old." At his age, Lolo Robert never runs out of customers and is still in demand when he prowls the old motels and cinema houses in Recto. A native of Bicol, Lolo Robert went to Manila to seek his fortune but unfortunately, he ended up in the sex trade. But it was also through this job that he met a wealthy customer who loved him and treated him like family. But despite this comfort, it seems Lolo Robert couldn’t let go of his old ways. Join Mariz Umali as she discovers how being a prostitute changed Lolo Robert’s views of the world only on Tunay na Buhay.
 
Ang Tunay na Buhay ni MOMMY ROSE
 
Sa edad na limamput walong taong gulang, tila wala pa rin sa bokabularyo ni Mommy Rose ang tumigil sa pagiging bugaw at prosti. Bagamat lumaki siya sa piling ng mga madre, hindi nito napigilan ang kanyang pagkapit sa patalim. Nagtrabaho raw siya bilang singer at dancer sa Osaka, Japan, at dito siya nakapag-ipon upang mapagtapos ng pag-aaral ang nag-iisang anak. Nang bumalik sa Pilipinas, pansamantalang nanilbihan sa kanyang live-in partner, ngunit nang iwan siya nito ay bumalik siya sa mundo ng prostitusyon. Kasama si Mariz Umali, alamin natin kung ano ang nagtulak sa kanyang pas ukin ang madilim na mundong ito. Ngayong Sabado sa Tunay na Buhay.
 
At 58, Mommy Rose still couldn’t see herself retiring from being a pimp and a prostitute. She grew up among nuns but this did not stop her from venturing into the flesh trade. She once worked as a singer and dancer in Osaka, Japan to support the studies of her only child. When she returned to the Philippines, she served her live-in partner but when they parted ways, she went back to her old ways. Join Mariz Umali as she finds out what drove Mommy Rose to go back to this sleazy world of prostitution, only on Tunay Na Buhay.