ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang Tunay Na Buhay nina Ynez Veneracion at Ramona Revilla


TUNAY NA BUHAY
Airing date: July 20, 2013


Ang Tunay na Buhay ni Ynez Veneracion




Pagpapa-sexy ang naging puhunan niya sa pagpasok sa showbiz. Bumida sa pelikulang "Babae sa Dalampasgan" at "Dama de Noche" -- siya ay si Ynez Veneracion o Sheryl del Rosario sa totoong buhay. Bukod sa mga intrigang kinaharap, naging mabulaklak at usap-usapan din ang kanyang buhay pag-ibig. Medyo lumamlam man ang kanyang karera ay may bago nang pinagkakaabalahan si Ynez. Alamin din kung paano siya bumangon sa pagkakadapa sa mga intrigang kinasadlakan. Saksihan yan ngayong Sabado sa Tunay na Buhay pagkatapos ng Kapuso Movie Night.

She entered showbiz via the sexy route, playing lead roles in the movie "Babae sa Dalampasigan" and "Dama de Noche." She is Ynez Veneracion or Sheryl del Rosario in real life. Aside from the many intrigues that she got involved in, her lovelife was also colorful and much-talked about. Her career may not be as hot anymore but Ynez is already busy with other matters now. Find out how she coped with the many intrigues in her life on Tunay na Buhay.

 
Ang Tunay na Buhay ni Ramona Revilla



Half-Filipino at half-Persian ang lahi ng 18 taong gulang na si Moshyl Ensafian nang pasukin niya noon ang mundo ng showbiz. Nakilala siya sa screen name na Ramona Revilla, at mula sa pagsali sa isang beauty contest, nagbida siya sa mga sexy movies na "May Gatas pa sa Labi" at "Babasaging Kristal". Pangarap na raw niya noong bata siya na maging artista, at nang matupad na niya ang kanyang mga plano, iniwan na niya ang mundo ng pagpapa-sexy. Sa edad na 34, isa na siyang ina sa kanyang triplets na mga anak. Kasama si Rhea Santos, kumustahin natin ang buhay maybahay ni Ramona Revilla. Silipin ang kanyang pamumuhay at alamin kung ano ang yaman ng kanyang buhay. Lahat ng yan, ngayong July 20,2013 sa Tunay na Buhay.

Half-Filipino, half-Persian Moshyl Ensafian was only 18 when she entered showbiz via a beauty contest. She was given the screen name "Ramona Revilla," and starred in sexy movies like "May Gatas pa sa Labi" and "Babasaging Kristal." It has always been her fondest dream to become a celebrity and when she finally made it, she decided to stop doing sexy movies. At 34, she is now a mother to her triplets. Join Rhea Santos as she talks to Ramona about marriage, motherhood and what keeps her happy and contented in her life.