Ang 'Tunay na Buhay' nina Keanna Reeves at Maureen Larrazabal
Ang Tunay na Buhay nina Keanna Reeves at Maureen Larrazabal
Airing Date: August 17, 2013
KEANA REEVES
Binansagan siyang “Kilabot ng Senado” matapos niyang matapang na ilantad sa publiko ang kontrobersyal na “escort service” noong 2004. Siya si Janet Derecho-Duterte o mas nakilala natin bilang si “Keanna Reeves,” ang sexy-comedienne na ni sa panaginip ay hindi inakalang ang malaking kasiraang dulot ng kontrobersya ng pagbebenta ng panandaliang-aliw ang siya pa palang magiging susi ng kanyang career sa showbiz. 
Paano nga ba hinarap niKeanna Reeves ang magulong mundo ng TV at pelikula, at ng malalaking kontrobersiyang ipinupukol sa kaniyang pangalan? Kasama si Rhea Santos sama-sama nating kumustahin ang babaeng lumikha ng pangalan sa parehong mundo ng showbiz at senado.
MAUREEN LARRAZABAL
Tubong-Ormoc, Leyte, isa siya sa mga kinilalang sexy stars noong huling bahagi ng dekada nobenta. Nagsimula siya bilang bokalista ng isang banda bago siya na-discover sa pag-aartista. Dahil sa kaniyang pagsusumikap, di lamang siya kinilala sa kaniyang kaseksihan pati na rin sa kaniyang husay sa pag-arte at pagpapatawa sa telebisyon at pelikula.
Pero ang hindi pa alam ng marami sa kanya ay ang galing niya sa paghawak ng iba’t ibang negosyo. Kilalanin pa natin si Maureen kasama si Rhea Santos ngayong Sabado, Agosto 17, sa "Tunay na Buhay."
