ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang Tunay na Buhay ni Katya Santos

Nagsimula siya noon bilang child star. Pero nang siya’y magdalaga, hindi na lang daw talento ang napapansin sa kanya, kundi maging ang kanyang hinaharap. Ito nga raw ang naging daan para malinya siya noon sa pagpapa-sexy. Siya ang isa sa mga orihinal na miyembro ng Viva Hot Babes – ang binansagang “Materyales Fuertes” na si Katya Santos.

Pero alam niyo bang graduate pala ng kursong Business Administration si Katya? At ngayong tinalikuran na niya ang pagpapa-sexy, ang tanging papel na lang na kanyang ginagampanan ay ang pagiging asawa’t ina.

Kamustahin natin ang buhay ngayon ng dating sexy star na si Katya Santos, dito sa Tunay na Buhay kasama si Rhea Santos.
More Videos
Most Popular