ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang True Celeb Ghost Story ni Solenn Heussaff sa 'Tunay na Buhay'




Ngayong Oktubre, ipinalalabas sa GMA ang horror fantasy series na “Elemento.” At sa isa sa mga episode nito, gumanap bilang diwata ang aktres na si Solenn Heussaff. Kasama rin siya sa remake ng pelikulang “Tiyanak” na ipalalabas ngayong buwan.


Pero ang hindi raw alam ng marami tungkol kay Solenn, na maging sa tunay na buhay pala, nakararanas daw siya ng mga kababalaghan. Nakakaramdam siya umano ng mga espiritu at nilalang na hindi kabilang sa mundo ng tao.


 
Ngayong Martes, ikukuwento ni Solenn ang nakapangingilabot niyang mga karanasan sa pagpapatuloy ng True Celeb Ghost Stories, dito sa Tunay na Buhay kasama si Rhea Santos.