ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kilalanin si Dading ngayong Martes sa 'Tunay na Buhay'


Airing date: March 10, 2015, 4:35 PM
 

Anak ng beteranong aktor na si Mark Gil at ng dating modelong si Irene Celebre ang character actor na si Gabby Eigenmann. Nagsimula sa showbiz noong mapasama siya sitcom na ‘Palibhasa lalaki’. Unang kontrabida role naman niya sa pelikulang ‘Gangland’ noong 1998. Sa telebisyon, gumanap siya bilang kontrabida noong 2000 sa teleseryeng “Umaaraw, umuulan.” Mula noon, nagkasunod-sunod na ang mga role niyang ganoon sa iba’t ibang teleserye ng GMA. 


Pero noong nakaraang taon, ang nakilala bilang astig na kontrabida, gumanap naman na bida sa isang di inaasahang role bilang tatay na bading sa hit teleserye na ‘Dading.’ Ano pa kaya ang kanyang pinagkakaabalahan sa ngayon? Alamin natin sa ‘Tunay na Buhay’ ngayong Martes.