ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Alamin ang personal na kuwento ni Jeffrey Tam sa 'Tunay na Buhay'




Labindalawang taong gulang pa lamang siya nang mahilig siya sa magic at pag-aartista. At dahil sa kagustuhan niyang makilala ang idolo niyang si Andrew E, pinasok niya ang mundo ng pagrarap.



Mula rito, nag-audition siya at pinalad na mapasama sa pelikulang ‘Gangland.’ Nalinya siya sa pagganap bilang kontrabida at pagtagal ay napunta rin sa pagpapatawa. Di nagtagal, binalikan din niya ang pagmamagic, puspusang nag-train, sumali at nanalo sa iba’t ibang magic competitions hindi lamang dito sa Pilipinas, kundi maging sa iba't ibang bansa.



Kilalanin natin at alamin ang mahika sa buhay ng nag-iisang Pinoy recipient ng Merlin Award sa larangan ng magic na si Jeffrey Tam sa Tunay na Buhay