Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kumustahin ang small but terrible na si Mura, ngayong Martes sa 'Tunay na Buhay'


Ang Tunay na Buhay ni Mura

Size does not matter! Iyan daw ang motto ni Allan Padua o mas nakilala sa showbiz bilang si Mura. Bagama't isa siyang midget, malaki naman ang natamo niyang kasikatan lalo na noong nakaraang dekada.


Kasama ang kapwa niya midget na si Mahal, naging mainstay sila sa isang dating noontime variety show. Nakabilang din si Mura sa ilang mga pelikula at proyekto sa telebisyon.





Pero dahil sa isang aksidente taong 2010, nabali ang kaliwang hita ni Mura. Mula noon, hindi na siya nakabalik ng showbiz.

Mula pa sa kabundukan ng Albay, kung saan siya muling nakita, samahan si Rhea Santos na kumustahin ang kalagayan ni Mura. Abangan 'yan ngayong Martes sa "Tunay na Buhay."