ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pabebe Girls, hindi magpapapigil sa 'Tunay na Buhay'


Tunay na Buhay ng Pabebe Girls

Wala kayong 'pake at wala kayong karapatan!


'Yan ang linyang sumisikat ngayon dahil sa viral video na ipinost nina Janet at Michelle, na mas nakilala bilang "Pabebe Girls." May ilang mga nainis at nag-bash sa kanila. Pero mayroon din naman natuwa. Katunayan, maging ang ilang mga artista, gumawa na rin ng sarili nilang mga “pabebe videos.” Pero sino nga ba ang Pabebe Girls sa tunay na buhay? Kilalanin sila ngayong Martes kasama si Susan Enriquez.

Tunay na Buhay ni Julian Trono


Unang nakilala si Julian Trono bilang isa sa mga host ng children's show na Tropang Potchi. Nakabilang din siya noon sa fantaseryeng Panday Kids. Pero ngayon, bini-build up na si Julian bilang “The Next RnB Star.” Katunayan, ipinadala pa siya ng Korea para mag-training sa ilalim ng tinatawag na K-Pop system. Maging ang music video ng kanyang first single na “Wiki Me”, doon din mismo kinunan.

Pero hindi na kailangan pang i-search sa Wikipedia si Julian Trono. Kilalanin siya nang husto ngayong Martes sa Tunay na Buhay, kasama si Susan Enriquez.