Internet dancing kid na si Balang, ibabahagi ang kaniyang 'Tunay na Buhay'
Ang "Tunay na Buhay" ni John Philip ‘Balang' Bughaw
_2016_05_24_10_24_59.jpg)
Mula nang i-upload ang kanyang nakatutuwang dancing videos sa internet, naging instant celebrity na ang bibong batang ito hindi lang sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa. Siya si John Philip Bughaw o mas kilala natin bilang si ‘Balang,’ 7 taong gulang at tubong-Cavite.
_2016_05_24_10_25_09.jpg)
Sa mura niyang edad, ilang beses na siyang lumabas sa iba’t ibang programa sa telebisyon at tatlong beses na ring lumabas sa sikat na ‘The Ellen DeGeneres Show’ sa US. Sa ngayon, magiging bahagi na rin siya ng pinakabagong show ng Kapuso Network na "Magkaibang Mundo".
Ngayong Miyerkules ng gabi sa ‘Tunay Na Buhay,’ samahan ang guest host na si Susan Enriquez at makiindak sa makulay na kuwento ng cute at bibong bata na si Balang.