Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kapuso comedian Boobay, kukumustahin sa 'Tunay na Buhay'


Tunay na Buhay
“Boobay is Back!”
Airing: February 1, 2017

Kabilang si Boobay sa bagong henerasyon ng mga komedyante sa telebisyon na nahasa ang galing at husay sa pagpapatawa sa entablado at stand-up comedy. Naging trademark niya ang talas niyang mag-isip at bilis na magdeliver ng witty punchlines. Pero noong Nobyembre 2016, ginulat niya ang marami nang mapabalitang siya’y na-stroke at naapektuhan din ang kaniyang memorya. Ngayon, sa pamamagitan ng therapy at walang patid na suporta ng pamilya at mga kaibigan, unti-unti na siyang nakarecover, nagbalik ang lakas, at handa na muling magpasaya ng mga manonood.

Ngayong Miyerkules, samahan natin si Rhea Santos na alamin ang kuwento ng buhay at mga pagsubok ni Boobay o Norman Balbuena sa ‘Tunay na Buhay.’

Tags: plug