ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sikreto ng successful career ni Pauline Mendoza, tampok sa 'Tunay Na Buhay'


 


Una siyang napanood sa teleseryeng ‘Little Nanay’ noong 2015. Noong nakaraang taon, gumanap siya bilang young Jennylyn Mercado sa remake ng Korean drama na ‘My Love From the Star.’

 


Ngayong taon, namukadkad siya bilang isang bagong TV star nang gampanan niya si Criselda, ang kakambal na multo ni Crisanta, na ginampanan naman ni Bianca Umali, sa katatapos lang na top-rating primetime serye na ‘Kambal Karibal.’

 


Ngayong Miyerkules, samahan si Rhea Santos na alamin ang kuwento ng buhay ng young actress na si Pauline Mendoza sa ‘Tunay na Buhay.’