ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Tunay na Buhay' ng ilang mga kilalang personalidad, babalikan ngayong Miyerkules!


 

TUNAY NA BUHAY: YEAR-END SPECIAL

AIRING DATE: DECEMBER 26, 2018


Sa taong 2018 - ilang mga kilalang personalidad ang nagbahagi ng kuwento ng kanilang tunay na buhay. Nagbigay inspirasyon din ang ilang mga Pilipino na sa kabila ng iniindang kalagayan o kondisyon – patuloy pa rin lumalaban. Ang mga kuwentong ito na naging malapit mismo sa puso ni Rhea Santos ang babalikan ng programa sa pagtatapos ng taon.

Unang nakilala si Joyce Pring bilang radio DJ at kalauna'y pinasok na rin ang mundo ng telebisyon. Ang mga young actress naman na sina Kyline Alcantara at Rita Daniela – tumatak sa showbiz bilang mahuhusay na kontrabida. Samantalang si Jo Berry na siyang bida sa primetime telebabad na “Onanay”, maliit man sa paningin ng marami – malaki naman ang tiwala sa sarili. Maliban sa kuwento ng pagtatagumpay – ano nga ba ang aral ng tunay na buhay na kanilang ibinahagi?

Sa edad na nobenta' tres, si lola Catalina ang dapat nang inaalagaan. Sa halip, siya pa ang nag-aalaga sa limang taong gulang niyang apo na may kapansanan. Si lolo Eliseo naman – hindi iniinda ang hirap ng pangunguha ng dahon ng niyog para gawing walis tingting na kanyang ibebenta. Sa kabila ng pagiging bulag, mag-isa pa rin siyang namumuhay at walang ibang inaasahan.

Samahan si Rhea Santos na balikan ang kani-kanilang mga kuwento sa huling Miyerkules ng taong 2018. Tumutok sa Tunay na Buhay pagkatapos ng Saksi.