ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

55-anyos na heroic rider at dragonboat racer na may polio, kilalanin sa 'Tunay na Buhay'


TNB SYNOPSIS ni  JUDY ALFEREZ (polio victim)
AIRING DATE: MAY 8, 2019

Itinataguyod ang kanyang walong anak... tumutulong pa sa kapwa... at miyembro rin ng isang dragonboat racing team. Lahat ng ito, nagagawa ng 55 taong gulang na si Judy Alferez sa kabila ng kanyang kapansanan.

Isinilang na may polio si Judy kaya mula noon, hirap na siya sa paglalakad. Pero hindi ito naging hadlang para siya'y makatayo at maharap ang mga hamon sa buhay. Sa pagiging watch repairman kumukuha si Judy ng pantustos sa kanyang walong anak. Bilang isa namang “heroic rider”, nagde-deliver siya ng dugo sa mga nangangailangan, nang walang kapalit. At para ipakita na hindi hadlang ang kanyang kapansanan, miyembro rin si Judy ng Onslaught Racing Dragons – isang koponan na lumalaban sa sport na dragonboat racing.

Humangan sa kuwento ng katatagan at katapangan ni Judy Alferez. Panuorin ang kanyang kuwento ngayong Miyerkules sa Tunay na Buhay, kasama si Rhea Santos.

He provides for his eight children... helps others without asking for anything in return... and is also a member of a dragonboat racing team. 55 year old Judy Alferez does this all, despite his condition.

Judy was born with polio, which makes it difficult for him to walk straight. Yet, he stood up and faced the challenges that life brings. He provides for his eight children by being a watch repairman. And as a so-called “heroic driver”, he delivers blood to those who are in need, without asking for any payment. And to prove that his condition is not a hindrance, he even joined the Onslaught Racing Dragons – a team that competes in the sport of dragonboat racing.

Judy Alferez brings inspiration through his bravery and toughness. Watch his story on Tunay na Buhay this Wednesday, after Saksi.

Tags: tunaynabuhay