ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Tunay na Buhay'

Musmos sa gitna ng Pandemya


 

TUNAY NA BUHAY
MUSMOS SA GITNA NG PANDEMYA
AUGUST 5, 2020

Ipinanganak siya na may ‘SOLAMEN syndrome,’ isang rare polymalformative syndrome kung saan nagkakaroon ng hindi proportional na paglaki ang iba’t ibang bahagi ng katawan—gaya ng mas manipis na kanang braso, hindi pantay na hugis ng mga hita at binti, at ang kapansin-pansing tila malalaking bukol sa kaniyang abdomen.

Pero sa kabila ng kaniyang kondisyon, nananatiling bibo at masayahin ang incoming grade 1 student sa pasukan—puwera na lang kung umaatake ang sakit sa kaniyang mga paa dahil halos hindi na siya nakaiinom ng gamot niyang pang-maintenance mula nang magka-pandemya.

Ngayong Miyerkules, samahan si Pia Arcangel na alamin ang kuwento ng matapang na anim na taong gulang na si Lucas Kenneth Brazil sa ‘Tunay na Buhay’, 9:15 PM sa GMA News TV, pagkatapos ng ‘Pera Paraan'.

(English)

He was born with ‘SOLAMEN syndrome,’ a rare polymalformative syndrome characterized by disproportionate growth in different parts of the body— like his thinner right arm, uneven shape of his legs, and the evident, big lumps in his abdomen.

Despite his condition, the incoming grade 1 student remains active and cheerful— except when he gets excruciating pain in his feet, when he misses his maintenance medicines which he has failed to take since the start of the pandemic.

This Wednesday, join Pia Arcangel as she discovers the life story of the brave six-year-old Lucas Kenneth Brazil, on ‘Tunay na Buhay’, 9:15 PM on GMA News TV, after ‘Pera Paraan'.

Tags: tunaynabuhay