ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Tunay na Buhay' ni Claire dela Fuente


TUNAY NA BUHAY
CLAIRE DELA FUENTE TRIBUTE
APRIL 7, 2021

Sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa, isa pang taga-showbiz ang naging biktima. Noong March 30, nasawi ang music icon na si Claire dela Fuente sa edad na 62 taon dahil sa cardiac arrest bunsod ng pagiging positibo sa Covid-19!

 


Ngayong Miyerkules, samahan si Pia Arcangel sa kaniyang panayam sa mga anak ni Claire na sina Mickey at Gigo De Guzman upang magbalik-tanaw sa mga magagandang alaala na naiwan ng kanilang ina.

 


Makakasama rin ni Pia ang mga kapwa mang-aawit ni Claire na sina Imelda Papin, Eva Eugenio, at Pilita Corrales upang magbigay-pugay sa makulay na buhay ng isa sa tinaguriang ‘Jukebox Queens ng Pilipinas’ na si Claire Dela Fuente, sa ‘Tunay na Buhay’, 11:30 PM pagkatapos ng ‘SAKSI’ sa GMA 7.