Kuwento ng pag-ibig nina Patricia Javier at Rob Walcher, tampok sa 'Wagas'
AIRING: APRIL 9, 2016 SATURDAY 7PM GMANEWSTV


Kilala siya bilang si Patricia Javier o Genesis Canlapan sa tunay na buhay. Bata palang ay mahilig na siyang sumali sa mga beauty contests para buhayin ang pamilya hanggang sa madiskubre bilang isang sexy star. Hindi naging madali ang buhay showbiz ni Patricia--- kasama ng karangyaan ang kontrobersya at intriga. Umibig siya sa isang lalaking may asawa at hindi akalaing makakatagpo pa ng taong tunay na magmamahal sa kanya.

Dahil laking probinsya, aminado si Patricia na talagang mahina raw siyang umi-English! Kaya naman ng makilala niya si Rob Walcher sa isa sa kanyang mga show sa Amerika--- hindi niya sukat akalaing ang lalaking nagpapapilipit ng kanyang dila tuwing mag-uusap sila--- ang siya ring makakasama niya habang buhay at magpapakita sa kanya ng pag-ibig na Wagas!


Tila na-love at first sight ang dalawa sa isa’t isa. Pero hindi naging madali ang relasyon nila dahil sa magkaibang kultura at higit sa lahat, dahil sa “language barrier”. Halimbawa ay nang alukin ni Rob si Patricia nang kasal ang ibig sabihin ng dalaga ay “Oo” pero hindi lang siya handang tumira sa Amerika. Imbes na maipaliwanag ang nais sabihin, ang naisagot niya sa “Will You Marry Me” ay “ Cool Off”. Nasaktan tuloy si Rob at inakalang nakikipaghiwalay na si Patricia sa kanya. Pero dahil tunay ang nararamdaman ng dalawa sa isa’t isa--- nagkaayos, nagkasuyuan at nagpakasal sila. Sampung taon na silang nagsasama kapiling ang dalawa nilang anak ngayon dito sa Pilipinas.


Tiyak kikiligin at matutuwa kayo sa nakakatuwanng love story na ito. Abangan ang nakakaaliw na pagganap ni Rochelle Pangilinan bilang Patricia Javier at ni Troy Montero bilang Rob Walcher ngayong Sabado sa WAGAS 7PM on GMANEWSTV!