ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Isang babaeng nasunog ang mukha, ikukuwento ang kanyang 'Wagas' na pag-ibig

Hindi sinasadyang masunog ni Eladio ang mukha ni Galea noong mga bata pa sila habang naglalaro. Dahil sa tindi ng galit ng pamilya ni Galea, inilayo ang batang si Eladio ng kanyang mga magulang.
Nag-iwan ng malaking pilat sa mukha ni Galea ang aksidenteng iyon. Tiniis n’ya ang mga pangungutya at maging ang panloloko ng mga lalake sa kanya.
Matapos ang ilang taon, isang binata ang makikilala ni Galea. Siya ang muling magpapatibok ng puso ng dalagang ilang ulit ng nasaktan dahil sa pag-ibig.
Ngunit paano, kung malaman ni Galea na ang taong iniibig niya ay si Eladio, ang may dahilan ng pagkasunog ng kanyang mukha? Ang taong kinasusuklaman niya noon, mapapatawad pa kaya niya ngayon?
Makakasama sina Pauline Mendoza at Jeric Gonzales para muling sariwain ang kuwento ng wagas na pag-ibig nina Galea Husain at Eladio Sarador, Jr. Tunghayan sila sa “Ang Pilat ni Galea” sa WAGAS, Sabado, 7 PM sa GMA News TV.
Tags: wagas
More Videos
Most Popular