ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Love story ng isang babaeng nawala sa katinuan, tampok sa 'Wagas!'

Iniwan na nga ng boyfriend, ninakawan pa ng cellphone itong si Jaezelle. Si Jerry naman ay nawalan ng trabaho. Pero sabi nga nila, kapag may umaalis o nawawala sa buhay mo, may darating na kapalit. Sa gitna kasi ng mga kamalasang nangyayari sa buhay ng dalawa, pinagtagpo ng tadhana ang kanilang mga landas. Hindi nila lubos akalain na magsisimula rito ang isang matatag na pag-iibigan na hahantong sa kasalan.
Pero matapos isilang ang kanilang anak, tila nawala sa kaitinuan ng pag-iisip si Jaezelle at maraming bagay ang nangyayari sa paligid niya ang hindi na niya naiintindihan. Maging ang kanilang anak ay muntik na malagay sa panganib dahil kay Jaezelle. Pero sa kabila nito, nariyan pa rin si Jerry…kinakaya ang mga pangyayari at pilit inuunawa ang kalagayan ng asawa.
Paano nga kaya maibabalik ang dating masaya at tahimik na pagsasama kung unti-unti itong sinisira ng isang karamdaman?
Makakasama sina Mikee Quintos at Phytos Ramirez bilang sina Jerry at Jaezelle Romero sa “Baliw na Puso” ngayong Sabado sa WAGAS, 7PM sa GMA News TV.
Tags: wagas
More Videos
Most Popular