ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Fatima's Miraculous Eyes, Aling Mila's Tables and Pusa-kal Lovers"


Episode on May 22, 2010 Right after Startalk ANG MGA NANGUNGUSAP AT DIUMANO’Y NAGMIMILAGRONG MATA NI FATIMA.. Image and video hosting by TinyPicImage and video hosting by TinyPic Si Fatima Soriano ay ipinanganak na bulag pero hindi ito naging hadlang sa kanyang misyon sa buhay… Ang makausap at maging instrumento ng Mahal na Birhen. Isa si Father Jerry Orbos ang naniniwalang espesyal na sugo si Fatima. Ngunit kung biyaya at milagro ang hatid niya sa kanyang kapwa, para sa sarili, hindi raw pinalad. Maliban kasi sa hindi nakakakita, meron din siyang hika at sakit sa bato kaya nahinto rin sa pag-aaral. Pero hindi nawawalan ng pag-asa ang disi-sais anyos na si Fatima, naniniwala siya na pagsubok lang ang lahat ng kanyang pinagdaraanan. ANG MGA LAMESA NI ALING MILA…. Image and video hosting by TinyPic Sa Nueva Viscaya, makikita raw si Aling Mila na nilalako ang buhat na mga lamesa na gawa ng kanyang mister na may kapansanan. Ngunit hindi lang ito ang kanyang pinagkaka-abalahan, tumatanggap din siya ng labada at nagtatanim ng mais. Kilala si Aling Mila sa kanilang lugar sa kanyang kasipagan alang-alang sa ikabubuti ng kanyang pamilya. Image and video hosting by TinyPic AT ANG PUSA-KAL LOVERS SA WISH KO LANG.... Image and video hosting by TinyPic Pareho man ang kasarian, tunay na nagmamahalan daw sina Elizabeth at Mique. At ang nagpatibay ng kanilang samahan ay ang hilig nila sa pag-alaga ng pusa. Sa ngayon, tatlumpu’t isa na ang mga pusa na kanilang inaaruga na kadalasan ay napupulot lang nila sa kalsada. Pero aminado ang dalawa, na mahirap ang responsibilidad na kanilang ginagampanan, dahil ito ay magastos kaya madalas ay kinakapos sila. Image and video hosting by TinyPic