"Babaeng Ipinaglihi sa Palaka" and "Missosology"
Episode on November 6, 2010 Saturday after Startalk! BABAENG PALAKA
Ayon sa kuwento, may isang babaeng naaliw sa palaka. Kasalukuyang nagdadalantao ang babae kaya pinaniniwalaang naglihi siya dito. Nang isilang niya ang kaniyang anak, ang unang napansin ay ang mga paa ng sanggol: hawig ito sa mga paa ng inalagaang palaka! Ngayon, kwarentaây singko anyos na si Levi, ang babaeng sinasabing ipinaglihi sa palaka. Dahil sa tila baling mga binti niya, limitado lang ang kaniyang kayang gawin. Hanggang ngayon, dalaga pa rin si Levi at kailanma'y 'di nakapag-aral. Para mabuhay, naglalabada siya. Dito na rin niya kinukuha ang panustos sa pangangailangan ng matanda na niyang ina. Ano'ng kapalaran ang naghihintay kay Levi at sa kaniyang ina? MISSOSOLOGY
Noong limang taon pa lang si Khristian, hindi niya raw nakahiligang manood ng cartoons dahil mga beauty pageant daw ang paborito niyang tutukan. Hanggang sa kanyang paglaki, lahat ng contest sa pagandahan, wala siyang pinalalampas. Kabisado pa nga niya ang ilan sa mga linya at eksena sa beauty pageant ng ibaât ibang taon! Kaya nang magsimula ang dramang "Beauty Queen" sa GMA Telebabad, itinuring niya itong hulog ng langit. Pero mula nang siya'y bata pa, nangangarap na si Khristian na makakilala ng isang beauty queen sa personal. Kailan kaya matutupad ang kaniyang pangarap?