ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
"To Take Care of a Mother, The Search for a Father and Farewell Paquito Diaz"
Episode on March 5, 2011 Saturday after Misteryo NANAY NA NASIRAAN NG BAIT, TATAY NA NAGLAHO NA PARANG BULA AT ANG PAMAMA-ALAM NI PAQUITO DIAZâ¦SA WISH KO LANG!
Ang tanong ni Rowena, bakit siya natiis ng kanyang mga magulang at nagawa siyang iwanan noon. Pero hindi raw siya nagtampo, dahil hindi kayang tiisin ni Rowena ang mga taong nagbigay buhay sa kanya. Kaya nagpursige siya na hanapin sila. Nang muling makita at makilala ang kanyang ina, tila natagpian ang malaking puwang na matagal na nâyang nararamdaman. Subalit, malaking bahagi pa rin ang nananatiling kulang, dahil hindi pa niya natatagpuan ang kanyang Papa Juan..
Habang si George⦠Kahit hindi naalagaan at pinalaki noon ng inang si Elvira na may sakit sa pag- iisip, nagbalik pa rin para alagaan ang nanay niyang tuluyan nang nawala sa katinuan. Ang pagkakataong makapag-kolehiyo ay kaniyang tinalikuran, mas nanaisin pa raw niyang pagsilbihan ang kanyang nanay na higit na mas nangangailangan ng kalinga.
Nagluluksa naman ang industriya ng pelikulang Pilipino sa pagpanaw ng isa sa nirerespetong artista na si Paquito Diaz. Muling balikan ang isa sa huling paglabas ni Paquito sa telebisyon, sa programang Wish Ko Lang! kung saan natupad ang kaniyang hiling na makapiling ang malalapit na kaibigang artista. May mapapala kaya sina Rowena at George sa ginagawang paghahanap at pag- aalaga sa kani- kaniyang magulang? At isang pagbibigay pugay kay Paquito Diaz, tunghayan sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Misteryo sa GMA-7.
Ang tanong ni Rowena, bakit siya natiis ng kanyang mga magulang at nagawa siyang iwanan noon. Pero hindi raw siya nagtampo, dahil hindi kayang tiisin ni Rowena ang mga taong nagbigay buhay sa kanya. Kaya nagpursige siya na hanapin sila. Nang muling makita at makilala ang kanyang ina, tila natagpian ang malaking puwang na matagal na nâyang nararamdaman. Subalit, malaking bahagi pa rin ang nananatiling kulang, dahil hindi pa niya natatagpuan ang kanyang Papa Juan..
Habang si George⦠Kahit hindi naalagaan at pinalaki noon ng inang si Elvira na may sakit sa pag- iisip, nagbalik pa rin para alagaan ang nanay niyang tuluyan nang nawala sa katinuan. Ang pagkakataong makapag-kolehiyo ay kaniyang tinalikuran, mas nanaisin pa raw niyang pagsilbihan ang kanyang nanay na higit na mas nangangailangan ng kalinga.
Nagluluksa naman ang industriya ng pelikulang Pilipino sa pagpanaw ng isa sa nirerespetong artista na si Paquito Diaz. Muling balikan ang isa sa huling paglabas ni Paquito sa telebisyon, sa programang Wish Ko Lang! kung saan natupad ang kaniyang hiling na makapiling ang malalapit na kaibigang artista. May mapapala kaya sina Rowena at George sa ginagawang paghahanap at pag- aalaga sa kani- kaniyang magulang? At isang pagbibigay pugay kay Paquito Diaz, tunghayan sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Misteryo sa GMA-7. More Videos
Most Popular