ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kumusta na si Coca Nicolas?
Noong dekada otsenta, umarangkada ang popularidad ni Coca Nicolas kasama pa ng ibang âsoftdrink beauties". Maganda sana ang takbo ng karera niya ngunit biglang tumamlay ang ningning nang mabuntis at mag-asawa.. Hanggang sa nabaon na sa limot si Coca o Johnnalee Hickins sa totoong buhay. Ngayon, kwarentaây tres anyos na si Coca , wala na ang âcoca-cola body", bagsak ang katawan na tila may karamdaman. Solong umuupa ng kuwarto at umaasa lang sa biyayang binibigay ng kanyang mga anak. Aminado si Coca na marami siyang kabiguan kaya humihiling siya na sanaây mabigyan pa ng isa pang pagkakataon sa buhay. Maantig sa kuwento ng dating softdrink beauty at abangan ang mga sorpresang naghihintay sa kanyaâ¦sa Wish ko Lang! kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Startalk sa GMA-7.
More Videos
Most Popular