Si Freddie Aguilar, ang tagahangang si Peter, at ang tampo ni Zaira
Mas mabigat daw ang mga pagsubok sa buhay ng isang taong may kapansanan. Pero para kay Peter na isang bulag, ang pag-awit at pagtugtog ng gitara ang naging kakampi niya. Lalo pa siyang nabuhayan ng inspirasyon sa awiting âBulag, Pipi at Bingi" ni Freddie Aguilar. Ang mensahe ng kanta ay akmang akma raw sa buhay niya at minsan na rin niyang ginawang piyesa ito sa pagsali noon sa pinanalunang singing contest. Kaya hiling sana ni Peter na makilala ang idolong si Ka Freddie para pasalamatan at makanta nila ang paborito niyang awitin. Habang si Zaira, bata pa raw siya nang abandonahin siya ng kanyang ama sa Roxas City, Capiz. Simula noon, nagtanim na si Zaira ng sama ng loob na dinala niya hanggang sa kanyang paglaki. Labinglimang taon ang nakalipas, nakatanggap ng balita si Zaira na ang ama niya raw ay may malubhang sakit, biglang nadurog ang kanyang puso at kinalimutan na ang galit sa magulang. Ngayon, hiling ni Zaira na makita na ang ama ngunit pinipigilan siya ng kahirapan sa buhay, wala siyang pampasahe papunta sa Capiz. Abangan kung makaka-jam ba ni Peter si Ka Freddie at may sagot ba sa pananabik ni Zaira? Tunghayan sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, Sabado, 4:30pm sa GMA-7.