ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kwento ng 99-year-old na si Lola Cevera sa 'Wish Ko Lang'
We WISH You A Merry Christmas! Mula sa WISH KO LANG! Airing date: December 24, 2011 Isang tulog na lang at Pasko na. At maliban sa Noche Buena at bigayan ng regalo, sana'y alalahanin natin na araw ito ng isilang si Hesus. Upang pagbuklurin ang sangkatauhan, bigyan tayo ng pag- asa, at maging ehemplo ng pag- ibig sa bawat nilalang. Kaya sa episode ng Wish Ko Lang sa bisperas ng Pasko, babalikan at lalasapin ang tamis ng pagtatagpo ng magkaka-anak na pinagkalayo ng kapalaran. Ipagbubunyi rin ang katatagan at pagtatagumpay ng mga "extraordinaryong" kuwento ng mga taong naghatid ng inspirasyon sa atin At kung magagawi ka raw sa Greenmeadows Avenue, imposibleng hindi ka mapapadobleng tingin sa isang matandang ale na nagtutulak ng kariton. Siya si Lola Cevera na 99 taong gulang na pero nangangalakal at namamalimos pa rin. Lumaganap sa Facebook ang kuwento niya at marami ang nahabag. ano kaya ang kuwento sa likod sa kanyang araw-araw na gawain?
Simulan na natin ang pagdiriwang ng Pasko. dito sa WISH KO LANG!.Kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Startalk sa GMA-7.
Simulan na natin ang pagdiriwang ng Pasko. dito sa WISH KO LANG!.Kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Startalk sa GMA-7. Tags: plug
More Videos
Most Popular