ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

MV Doña Paz survivor, hinahanap pa rin ng pamilya


Wish Ko Lang! Airing Date:  May 12, 2012              

Si Janet ay namamasukan noon sa Tacloban at kung minsan ay isinasama rin siya ng kanyang amo sa Maynila. Inilihim niya sa kanyang ama sa Samar ang malimit niyang pagbiyahe dahil baka hindi na siya payagan na magtrabaho. Taong 1987, sakay ng MV Doña Paz, patungo sana ng Maynila, naganap ang isa sa pinakamatinding trahedya sa laot, lumubog ang barko. Na-alala pa niya na inabot sa kanya ng kanyang amo ang life-vest kaya siya nakaligtas. Matapos ang mapait na kabanatang iyon, patuloy pa rin na nanilbihan si Janet sa pamilya ng kanyang amo at naki-usap na huwag ipa-alam sa kanyang tatay ang aksidente. Siya na lang daw ang magsasabi kapag naka-ipon na ng lakas ng loob. Ngunit bumilang ng maraming taon at hindi pa rin siya nakabalik sa kanyang pamilya sa Samar.
Habang si Elizabeth, ang maging domestic helper sa Hong Kong ang naisip niyang paraan para mai-ahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. Ngunit hindi sang-ayon ang anak niyang si Karen sa kanyang pangingibang bansa. Kaya mula nang umalis ang ilaw ng tahanan, nagkulong naman sa kuwarto at hindi na nakipag-ugnayan pa kaninuman si Karen. Nakabalik na ng bansa si Elizabeth at sampung taon na ang nakalipas, pero hindi pa rin napapawi ang tampo ng kanyang anak. Handa na kayang aminin ni Janet ang katotohanan sa kanyang ama? Matutupad din kaya ang hiling ni Elizabeth na mapatawad na ng anak sa kanyang pag-alis noon?   Tunghayan sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagktapos ng Startalk sa GMA-7.