ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Sinabuyan ng asido si Mico sa 'Wish Ko Lang'
Airing date: May 19, 2012 Si Mico ang klase ng tao na malaki ang kumpiyansa sa sarili at parating positibo ang pananaw sa buhay… Pero noon ‘yon! Ngayon, tila sinakluban na siya ng takot, pagkabahala, at panghihina ng loob matapos siyang sabuyan ng asido ng isang di- kilalang lalaki. DahiI doon, nasunog ang malaking bahagi ng kanyang mukha, at malaki rin daw ang posibilidad na mabulag ang isa niyang mata. Matindi rin ang naging emotional at psychological effect ng naganap na pag- atake sa kanya. Ano ba ang nagawa ni Mico para sapitin ang ganoong uri ng paghihiganti? Ang kuwento ni Mico, isasabuhay yan ni Kapuso teen star Sef Cadayona, tunghayan sa WISH KO LANG!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Startalk sa GMA-7.
More Videos
Most Popular