ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang pangungumpisal ng dating sikat na bituin sa 'Wish Ko Lang'
WISH KO LANG "Maestra Ginnie" at "Nasaan na si Kristel Romero" Airing Date: July 21, 2012

“Nasaan Na Si Kristel Romero?”
Ang dekada otsenta raw ay kung saan maraming artista ang nagsuplutan. Ang pangalang Kristel Romero ay isa raw sa gumawa ng ingay dahil madalas siyang madawit sa tatsulok na pag-ibig. Umabot sa puntong kinailangan na niyang magdesisiyon kung ipagpapatuloy pa ba ang karera o mamuhay ng tahimik at magbuo ng pamilya? Pinili niya ang huli at biniyayaan naman siya ng tatlong anak, pero nauwi naman sa hiwalayan ang relasyon sa kanyang mister. Humantong na rin siya sa kagipitan at hindi na niya alam kung paano na ang kinabukasan ng kanyang mga anak.

“Maestra Ginnie”
Si Ginang Ginnie Sobrino ay dating aktibo sa sining, mapa- teatro man o pelikula. Ilan sa mga nirerespetong pangalan sa idustriya ay naka-trabaho na niya gaya nina Gina Alajar, Bembol Roco, Ricky Davao, Joel Lamangan at Lino Brocka. Inalay niya rin ang sarili para ibahagi ang mga kaalaman sa mga kabataan kaya nagturo ng speech at drama rin sa FEU. Ngunit ang makulay na kabanatang ito ng kanyang buhay ay natapos nang siya ay magretiro na. Nag-kasakit siya ng diabetes kaya naputol na ang kanyang paa at lumabo pa ang mga mata. Mag-isa lang siya sa buhay at sa tuwing binibisita siya ng mga dating katrabaho at estudyante, nagugulat at naawa sa malaking pagbabago sa katawan ni Ginang Ginnie. Sitenta’y singko anyos na pero ayaw niya namang dalhin siya sa kanlungan ng mga matatandang walang kaanak dahil parang inaantay na lang daw niya ang kanyang kamatayan doon. Buti na lang, may isang kaibigan na araw-araw na tumtingin at umaalalay sa kanya
Abangan ang dalawang kwento ng tagumpay at kabiguan, sampu ng mga hiling na sana'y mapagbigyan at panibagong buhay na inaasam, ngayong Sabado sa Wish Ko Lang. Tunghayan ang Wish Ko Lang 4 PM pagkatapos ng Startalk. Sundan ang Wish Ko Lang sa Facebook at sa Twitter. Tags: plug
More Videos
Most Popular