ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Magulang na nawala sa katinuan, idinulog sa 'Wish Ko Lang'


WISH KO LANG Airing Date: November 17, 2012 Dear Wish Ko Lang, tulungan ninyo ako nawala sa katinuan ang magulang ko Tuwing papasok ang 3rd year Mechanical Engineering Student na si Andrew, mapapansin na may dala siyang sako, bago kasi mag-aral, namumulot siya ng kalakal para may maibenta sa junk shop. May dalawang taon na raw niyang ginagawa ito dahil ito lang ang paraan nilang magkakapatid para maitawid ang kanilang pang-araw araw.  Dati raw silang maykaya noong naghahanapbuhay pa ang ama bilang empelyado sa munisipyo habang ang ina naman ay isang guro. Ngunit nagkasakit sa pag-iisip ang kanilang mga magulang at iyon na ang hudyat ng kalbaryo nila. Masuwerte pa nga si Andrew dahil nakapag-aaral sa kolehiyo dahil mayroon siyang educational plan, pero ang kanyang nakababatang mga kapatid, malabong mapagtuloy pa ang pag-aaral. Nasa Malaysia Si Banana? Si JP “Banana” Caoilan (27 years old) ay masayahing tao. Sa kanyang hanapbuhay bilang maintenance, laging niyang napapatawa ang kanyang mga katrabaho o kung sinumang nakakasalamuha. Ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti, ikinukubli niya ang isang lihim. Ang alam pala ng kanyang pamilya sa Cagayan Valley, siya ay isang OFW sa Malaysia. Totoong papunta sana siya noon sa abroad pero naloko si JP pagdating niya ng Maynila. Dahil sa kahihiyan, kaya hindi na niya pina-alam sa kanila ang sinapit. Siya rin daw kasi ang inaasahan noon ng pamilya na mag-aahon sana sa hirap, pati ang kanyang pamasahe at pag-ayos ng mga papeles ay pinag-tulungan pa nilang mag-anak. Limang taon na ang nakalipas, nakakulong pa rin si JP sa lumiliit niyang mundo dahil sa kanyang sikretong tinatago pero hindi niya rin matiis ang pananabik sa kanyang pamilya, hiling na niyang makita silang muli. Lolo Pop Sa Pampanga, si Lolo Lito o mas kilala na “Lolo Pop” ay patok na patok dahil sa kanyang tinitindang kendi at lollipop. Ang kanyang mga suki, hindi lang daw ang mga matatamis niyang nilalako ang habol sa kaniya, dahil aliw na aliw din silang ka-kuwentuhan siya. May kendi ka na, may libreng payo pa. Sa edad na animnapu’t apat, hindi na raw dapat nagbabanat ng buto si Lolo Lito, pero ang dahilan pala sa kanyang pagtitiyaga, nais niya pa ring gampanan ang responsibilidad bilang haligi ng tahanan sa kanyang pamilya. Isang huwarang ama na sana’y pamarisan ng kanyang mga anak at ng lahat ng kabataan.