ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Bagong bahay at bagong buhay sa 'Wish Ko Lang'


Plano raw noon ng nobyo ni Connie na sumampa ng barko para paghandaan ang kanilang kinabukasan kung sila’y sakaling ikasal na. Nagtaka na lang siya ng biglang dumalang ang pag-text ng kanyang boyfriend na si John. Nang inalam na niya sa kaanak ng kasintahan, ang totoo pala’y nagkasakit si John at hindi natuloy bumyahe. Agad binisita ni Connie at nagulat siya dahil biglang pumayat at hinang-hina ang kanyang nobyo. Dinala na si John sa Zamboanga ng kanyang pamilya upang doon na lang magpagamot habang si Connie naman ay naiwan sa Laguna. Wish niyang makita muli si John lalo pa’t nabalitaan niya na kanser pala sa atay ang sakit at may taning na raw ang buhay ng kanyang minamahal.
 
Mas mainam na raw na manakawan kaysa sa masunugan, yan ang sambit ni Romeo na mula natupok ang kanilang tahanan, sunod sunod na kamalasan na ang dumating sa kanyang buhay. Siya ay na-stroke, ang kanyang ina naman ay nagsimula ng mag-ulyanin. Nakikitulog sila sa mga kakilala, palipat-lipat at minsa’y kung saan na lang sila abutin.
 
Ang madamdaming pagtatagpo ng magkasintahang John at Connie… at bagong buhay hatid ng bagong bahay, abangan sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Startalk sa GMA-7. Para sa karagdagang updates tungkol sa 'Wish Ko Lang,' sundan sila sa Facebook at Twitter.
Tags: plug