Byudong pulubi at mag-inang alimango, sa 'Wish Ko Lang'
Nang mamasukan si Irish, umibig siya sa kaanak ng kanyang amo na si Jomar. Marami ang dismayado sa kanilang pagmamahalan. Mas lalong naging kumplikado ng mabuntis si Irish kaya nagpasya na lang silang magpakalayo. Sa paglipas ng panahon, unti unti na raw pinatawad si Jomar ng kanyang mga magulang at ito ang nag-udyok sa kanila para bumalik na uli sa Maynila. Ngunit sa kanilang pagbalik, Nabuking ni Irish na may ibang babae ang kanyang asawa kaya sila ay nagtalo at nagiwalay.Binitbit ni Irish ang mga bata at lumayas.
Sa isang palengke naman sa Dipolog, makikilala ang pulubing si Rolly. Matagal na raw siyang nanlilimos dahil para sa kagaya niyang hindi nakakalakad, mailap daw ang marangal na hanapbuhay. Isa siyang byudo at may tatlong anak na umaasa sa kanya. Kung hindi raw siya hihingi ng limos, wala raw kakainin ang kanyang pamilya.
Habang sa Romblon, may bata raw na nagtataguyod sa kanyang ina at lola. Sa mura niyang katawan, kailangang magbanat ng buto ni Manuel, ito ang kapalaran na kailangan niyang akapin at tanggapin. Siya kasi ang tanging inaasahan ng kanyang ina at lola na may kapansanan na madalas daw ihambing sa alimango dahil sa porma ng kanilang kamay at paa.
Ano ang magiging kinabukasan nina Irish at ng kanyang mga anak? Abangan din ang muling pagbabalik ng childstar na si Jiro Manio para isabuhay ang kuwento ng buhay pag-ibig nina Irish at Jomar… Tunghayan din magiging kapalaran ni Tatay Rolly at ng mag-inang alimango sa Romblon…Lahat ng yan, sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Startalk sa GMA-7.