ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Lakbay-Aral bago magbalik-eskwela, tampok sa 'Wish Ko Lang'

Unang araw ng Hunyo at balik eskuwela na naman. Sa Datu Ladayon High School sa North Cotabato, may ilang estudyante roon na bitin daw ang kanilang summer, magpapasukan na kasi uli pero hindi man lang sila nakapag-outing. Hiling nila, huling hirit daw sa tag-init! Pero sana naman daw ang mapuntahan nila ay kakaiba sa nakagisnan na nila na bukirin. Marami sa kanila ay hindi pa raw nakakakita ng mall, nakakasakay ng elevator at escalator, nakaka-inom ng iced tea at wala ni isa sa kanila ay nakapanuod na ng sine. Mga bagay daw na naikukuwento lang sa kanila ng mga nakakasalamuhang taga-siyudad.

Noong bata raw si Yvette, napansin ng kanyang mga magulang na parang iba ang itsura niya. Nang ipasuri, tinaningan daw siya ng doktor at hindi raw aabot ng trese anyos. Pero nalamapasan niya raw ang pangambang ito at sa kasalukuyan ay kwarenta’y tres anyos na siya. Kaso nga lang, sa paglipas ng panahon, na pagkakaitan ka ng mundo kung ikaw ay kakaiba. Mabibibilang lang daw ang mga taong nakakaunawa sa kanyang sitwasyon, ang tanggap ang kanyang pagkatao at hindi ang pang-labas niyang anyo.
Alamin ang totoong kondisyon ni Yvette… At mapagbigyan kaya ang hiling na lakbay aral ng mga estudyante? Abangan sa Wish Ko Lang kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Startalk sa GMA-7.
Para sa karagdagang updates, sundan ang Wish Ko Lang sa Facebook at Twitter.
Tags: plug
More Videos
Most Popular