ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang mga Golden Gays sa 'Wish Ko Lang'




Ang isang bakla, nakatakda na raw ang kanyang kapalaran. Kadalasan kasi ay hindi nag-aasawa’t nag-aanak, kaya nagiging mag-isa sa buhay sa kanyang pagtanda. Ayos lang sana kung naka-ipon pero paano kung salat at walang pera, malungkot na, uugod ugod pa at kumakalam pa ang sikmura.   
 

Ganito ang kadalasang kuwento ng samahang Golden Gays. Sila ay binuo ni Konsehal Husto Husto. Kaya ang matatandang bading noon, nakahanap ng pamilya. Pinatira sila sa tahanan at pangangailangan ay binigay. Ngunit sa pagpanaw ng dating konsehal, nawalan sila ng bahay kaya ngayon ay nagsisiksikan sila sa isang inuupahang kuwarto sa isang eskinita sa Pasay.
 

Sa kabila ng lahat, magkakaramay pa rin ang mga lolo at umaasa na darating ang araw na bibigyang halaga rin sila ng lipunan.

Ito ang naging inspirasyon ng Wish Ko Lang! para ilatag ang isang eksperimento. Totoo nga bang sa pagtanda ng isang tao, lalo na kung siya pa ay may pusong babae, may silbi pa ba sila sa mata ng karamihan? Isang lolong bading ang magiging kakutsaba namin sa aming pakay, gagampanan niya ang isang matanda na makiki-usap sa mga gupitan at parlor kung maaari siyang mamasukan kahit isang araw lang, kapalit ang kanyang serbisyong manicure at pedicure. Sino kaya ang magbubukas ng kanyang puso para pakinggan ang pagsusumamo ng kanyang kapwa?

Abangan sa Wish Ko Lang, August 10, Sabado, 4:15 PM sa GMA-7.