ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang "Lola sa Botika"  tampok ngayong Sabado sa 'Wish Ko Lang!'


Wish Ko Lang!
Date of Airing: January 11, 2014
Time of Airing: 4:30 PM

 
Saglit Na Pagngiti
 
Depresyon daw ang kaakibat ng malubhang karamdaman. Ito ang pinagdaraanan ng taong may sakit lalo na kung walang lunas na gaya ng kanser ang nagpapahirap sa kanya. Kapalaran ay nakatuon sa pangambang iiwan na nila ang mga mahal sa buhay.
 
Paano nga ba maibabalik ang ngiti sa kanila ngayong pag-asa ay inagaw na? Kailangan na nga ba nilang bumitiw sa kanilang mga pangarap?
 
           
Lola Sa Botika
 
Habang bumibili ng gamot, nakasaksi ka na ba ng taong nagmaka-awa para makuha ang kinakailangang gamot? Malinaw naman ang patakaran sa kahit anong botika, maaaring may diskuwento pero walang libre. Ngunit ang pagdugtong ng buhay ay nakasalalay kung pagbibigyan ang isang nagsusumamong mamimili. Ito ang susunod na sitwasyon sa gagawing eksperimento ng Wish Ko Lang!, may makiki-usap na matanda sa pharmacist na mainit ang ulo, ano kaya ang kakahinatnan ng tagpong ito?