ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pag-ibig hanggang sa kabilang buhay, tampok ngayong Sabado sa 'Wish Ko Lang!'


WISH KO LANG!
Date of Airing: Feb. 9, 2014
Time of Airing: 4:45 PM



Sa tuwing binabalikan daw ni Lola Cora ang kuwento ng kanyang pag-ibig, hanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya. Lalo na noong mga panahon na nililigawan pa lang siya hanggang sa sila’y mag-asawa na ni Tatay Manny. Pero ang mga ito ay hanggang sa ala-ala na lang, dahil namatay na ang kanyang mister noong 2006 at bago raw pumanaw, hinabilin sa kanya na ang abo ay ilagay lang sa bahay para siya ay mabantayan. Madalas din niyang mapanaginipan ang asawa at paraan daw nila ito para makapag-usap. Nakakahanga nga ba ang ganitong endless love? Mainam nga ba na manatili at makulong sa ala-ala ng pag-ibig ng kahapon?

  

Habang sina Alvaro at Armie naman ay tatlong taon ng magkasintahan. Hindi raw nila inakala na makakamit ang ganitongrelationship status. Mayroon din silang kakaibang kasunduan, may kanya-kanyang logbook daw sila na kung saan itatala ang bawat pagkikita nila. Kung umabot daw ito sa isangdaan, hudyat na iyon na magiging “sila na”. Pero panahon na raw para sa susunod na baitang ng kanilang relasyon, isang sorpresa ang niluluto ni Alvaro, ito ay alukin ng kasal ang kanyang kasintahan at sa tulong daw ng Wish Ko Lang!, mas magiging espesyal ang kanyang wedding proposal.
 
Tunghayan ang mga love story na ito sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, 4:45 pm, Sabado sa GMA-7.