ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang pagsanib kay Emily ng mga kaluluwa sa 'Wish Ko Lang'


Wish Ko Lang
Sabado, November 1, 2014
3:15 PM sa GMA-7


SANIB KAY EMILY


Bata pa lamang daw noon si Emily, kung anu-anong elemento na ang nakikita niya. Sa kaniyang paglaki mas tumindi pa ang mga nararanasang kababalaghan dahil sinasapian na rin siya ng mga kaluluwang pumanaw na! Ang nanay na yumao ang unang pumasok daw sa katawan niya hanggang sa nasundan na ito ng marami pang pagsapi. Kapag pumupunta nga siya sa burol, may mga pagkakataon na nakikita niya ang espiritu raw ng patay na pinaglalamayan. Ang laging tanong niya, kakayahan ba ito na dapat niyang yakapin? Dahil kahit mismong si Emily, natatakot sa tuwing mayroong sumasanib sa kaniya.

ISANG TAON NG HINDI MAKATULOG SI PRISCILLA


Habang sa Batangas, mayroong isang ginang na hindi natutuwa sa katagang pinasikat ni Master Showman Kuya Germs na “Walang… tulugaaan!” Para kasi kay Priscilla, parusa ang magpuyat. At mahirap man paniwalaan, isang taon na raw siyang gising at walang tulog. Hirap na hirap na siya sa kaniyang kondisyon. lahat na raw ng paraan ay sinubukan niya para dalawin siya ng antok pero ni idlip ay hindi pa rin magawa. Nangangamba na si Priscilla sa maaaring idulot sa kaniyang kalusugan nitong isang taon niyang pagpupuyat.

Abangan ang mga kuwentong ito sa 'Wish Ko Lang,' kasama si Vicky Morales, Sabado, 3:15 PM, sa GMA-7.